Si Reyna Elizabeth I ay pinanganak noong 7th ng Setyembre 1533 sa Greenwich, Ireland, ang kanyang mga magulang ay sina Haring Henry VIII at ang pangalawa niyang asawa na si Anne Boleyn.
Bente-singko(25) lamang si Elizabeth noong siya ay naging reyna ng England sa taong 1558. Pinapaniwalaan ng mga taong Ingles at Katoliko na sa oras na tumayo si Elizabeth I bilang reyna ng England, ang kaharian ay papalibutan ng kadiliman at ang simula ng pagbagsak nito, dahil siya ay ipinalaking Protestante. Madaming pang ibang rason upang pagkamalan na ang pagiging reyna ni Elizabeth I ay ikadudulot lamang ng kamalasan sa kaharian;
Una, Si Elizabeth I ay itinuring anak sa labas ni Haring Henry VIII, kasama na rin ang kanyang kapatid sa labas na si Mary I, ngunit sila ay pinag-aral pa rin at lumaking matikas.
Pangalawa, bago maging reyna si Elizabeth I, sina Binibining Jane Grey at Mary I ang nanguna sa trono, kung saan ang kaharian ng England ay bumagsak sa kahirapan at nakaranas ng pagpupunyagi sa hindi pagkakasundo ng mga Katoliko at Protestante.
Pangatlo, sa kaugnayan ng pangalawang rason, si Mary I ay isang seryosong Katoliko kung saan ang mga Protestante ay kanyang isinusumpa at ipinapapatay, ngunit salungat dito ang pananayuan ni Elizabeth I, dahil siya ay ipinalaking Protestante ng kanyang mga propesor na sikat na Cambridge Humanists na sumuporta sa mga Protestante, isa na rin dito si Roger Ascham, ang nagturo kay Elizabeth noong siya ay bata pa.
Pangapat, dahil sa pagiging protestante ni Elizabeth I, nagdadalawang-isip si Mary I na ituloy ang trono sakanya, sapagkat baka mawala ang paninindigan ng kaharian sa pagsuporta ng relihiyong Katoliko.
Panglima, si Elizabeth I ay isa sa nakaligtas sa problema ng kanyang pamilya at sa isyu ng mga Seymour.
At panghuli, sa mga unang panahon ni Elizabeth I bilang reyna ng England, ang kanyang mga tagapayo ay kinakabahan na baka maulit muli ang nangyari sa kaharian nina Binibining Jane Grey at Mary I, kung saan nagkagulo at bumagsak ang England. Kaya naman si Elizabeth I ay kanilang pinapayuhan na magpakasal upang makadepende sa suporta na ibibigay ng kanyang magiging asawa o hari.
Sapagkat dahil sa mga rason na ito, lalo lamang lumaban si Elizabeth I hanggang siya ay naging reyna ng England. Si Elizabeth rin ay hindi sumuko kahit sa pagkakataon na ang tingin sakanya ay isang mahinang reyna dahil wala siyang asawa, ipinakita niya na hindi kailangan dumipende sa hari dahil naniniwala siya na ang babae na humahawak ng trono ay kayang tumupad at palakasin ang sarling kaharian katulad ng isang magaling na hari.
"Though the sex to which I belong is considered weak you will nevertheless find me a rock that bends to no wind."
- Elizabeth I, Reyna ng England
Nagsimula siya sa pagpapaunlad ng paggawa ng mga tula at drama, at iba’t-ibang sining sa struktura, sa pananamit, sa pagpinta, at iba pa. Hinahanggan rin siya ng mga makata at manggagalugad sa iba’t-ibang parte ng mundo sa kanyang pagtalakay sa pagpapalago ng mga sining. Pinaligiran niya rin ang sarili niya ng magagaling na mga tagapayo upang sa paggagawa ng mga desisyon para sa ikabubuti ng kaharian. Nagpasa rin si Elizabeth ng relihiyosong patakaran na tinatawag “The Act Supremacy and Uniformity” noong 1559, kung saan ang mga Protestante at Katoliko ay malaya sa kanilang gawaing relihyon.
Alchin, L. (2015). Accomplishments of Queen Elizabeth I. Elizabethan-era.org.uk. Retrieved 18 May 2016, from http://www.elizabethan-era.org.uk/accomplishments-of-queen-elizabeth-i.htm
Hanson, M. (2015). Queen Elizabeth I: Biography, Facts, Portraits & Information. English History. Retrieved 18 May 2016, from http://englishhistory.net/tudor/monarchs/queen-elizabeth-i/,
Alchin, L. (2015). Accomplishments of Queen Elizabeth I. Elizabethan-era.org.uk. Retrieved 18 May 2016, from http://www.elizabethan-era.org.uk/accomplishments-of-queen-elizabeth-i.htm
Hanson, M. (2015). Queen Elizabeth I: Biography, Facts, Portraits & Information. English History. Retrieved 18 May 2016, from http://englishhistory.net/tudor/monarchs/queen-elizabeth-i/,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento